Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino

Published on Slideshow
Static slideshow
Download PDF version
Download PDF version
Embed video
Share video
Ask about this video

Scene 1 (0s)

[Audio] Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino.

Scene 2 (8s)

[Audio] Mga Tagapag ulat Jonalyn Dayuta Shane C. Bermoy Pangalawang tagapag ulat Unang tagapag ulat.

Scene 3 (21s)

[Audio] Korapsyon Sa Hudikatura. Korapsyon Sa Hudikatura.

Scene 4 (29s)

[Audio] Korapsyon Sa Hudikatura Ang Hudikatura (Judiciary) ay isa sa tatlong mahahalagang sangay ng gobyerno, kasama ng Ehekutibo ()Executive , at Lehislatibo (Legislative). Mataas ang pagtingin ng lipunan sa sangay na ito na may kapantay na kapangyarihan sa Ehukatibo at Lehislatibo. Ang Hudikatura ang sangay ng gobyorno na siyang nagbibigay ng interpretasyon sa batas na ginawa ng lehislatibo at ipinatutupad ng Ehekutibo. Ang Hudikatura ay hindi ligtas sa mga alegsyon ng korapsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan. May mga kurakot din na hukom (judge) na tumatanggap ng suhol upang magbaba ng desisyon pumapanig sa nagbibigay ng suhol. May ilang mga hukom na pinatatagal ang pagdesisyon sa isang kaso na nagbubunga ng inhustisya sa mga taong walang kasalanan. Kaakibat ng mga maling gawi o akto ng hukom sa paglabag sa kanilang Koda ng Etika (Code of Ethics) ay ang pagharap nila sa mga kasong administratibo o maaari rin namang pagtanggal sa kanila ng lisensya bilang mga abogado..

Scene 5 (1m 36s)

[Audio] Korapsyon Sa Hudikatura Naging mainit ang mga usapin na ipinukol kay dating Supreme Court justice Renato Corona dahil sa maling deklarasyon ng kanyang mga pagmamay-ari at mga pagkakautang batay sa deklarasyon ng kanyang SALN na sinasabing lumabag sa RA 6713. siya ang kauna-unahang Supreme Court Justice sa kasaysan ng Pilipinas na pinatalsik sa pwesto sa pamamagitan ng proseso ng impeachment. pinatalsik siya sa pwesto noong May 29, 2012. Angkapalaran ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno (itinalaga ni dating Pangulong Benigno Aquino III) ang kauna-unahang babaeng Chief Justice ng Korte Suprema sa Pilipinas ay hindi rin nalayo sa kapalaran ng kanyang pinalitan na si Chief Justice Renato Corona. Bunga ng artikulo ng impeachment na inihain ni Atty. Larry Gadon laban sa babaeng Chief Justice ay ang sunud-sunod na pagdinig sa Komite ng Impeachment na kung saan ang mga kasamang mahistrado ng babaeng Chief Justice sa Korte Suprema ay nagbibigay ng kani-kanilang testimonya laban kay Sereno. Ang arkikulo ng impeachment ay inilipat ni Atty. Larry Gadon laban sa babaeng Chief Justice..

Scene 6 (2m 53s)

[Audio] Hindi pa man umuusad ang proseso ng impeachment, si Solicitor General Calida ay naghain ng Extraordinary remedy na quo warranto laban kay Sereno sa paniniwalang walang bisa ang pagtatalaga sa kanya dati ni Pangulong Aquino bilang Chief Justice sapagkat hindi niya naibigay ang basikong kahingian na paghahain ng SALN. Bagamat may mga usapin sa remedyong ito na ibinigay ni Calida, ang Korte Suprema ay nagpasya na patalsikin si Sereno sa Pwesto bilang Punong Mahistrado sa botong 8-6..

Scene 7 (3m 23s)

[Audio] Ang mga hindi pabor sa Quo Warranto ay ang mga sumusunod: (1) Estela M. Perlas-Bernabe (2) Alfredo Benjamin S. Caquioa (3) Antonio T. Carpio (4) Mariano C. Del Catillo (5) Marvic Mario Victor F. Leonen (6) Prebitero J. Velasco Jr. Ang mga pabor sa quo warranto ay ang mga sumusunod: (1) Lucas P. Bersamin (2) Teresita J. Leonardo de Castro (3) Alexandra G. Gesmundo (4) Francis H. Jardaleza (5) Samuel R. Martires (6) Diosdado M. Paralta (7) Andres B. reyes, Jr. (8) Noel G. Tijam.

Scene 8 (4m 11s)

[Audio] Korapsyon sa Lehislatibo. Korapsyon sa Lehislatibo.

Scene 9 (4m 19s)

[Audio] Korapsyon sa Lehislatibo Ang Lehislatibo ang sangay ng gobyerno na namamahala sa pagbuo at pagbabalangkas ng batas na nararapat namang ipatupad ng Ehukitibo. Malapit sa usapin ng karapsyon ang sangay na ito ng Lehislatibo sapagkat maaaring makapaglagay ng isang probisyon sa panunakalang batas na maaring pumabor sa may-akda nito. Mahalaga na maunawaan ng mga mag-aaral ang ialng prinsipyo upang labanan ang katiwaliang ito sa pamahalaan. Ang Lehislatibo ang sangay ng gobyerno na namamahala sa pagbuo at pagbabalangkas ng batas na nararapat namang ipatupad ng Ehukitibo. Malapit sa usapin ng karapsyon ang sangay na ito ng Lehislatibo sapagkat maaaring makapaglagay ng isang probisyon sa panunakalang batas na maaring pumabor sa may-akda nito. Mahalaga na maunawaan ng mga mag-aaral ang ialng prinsipyo upang labanan ang katiwaliang ito sa pamahalaan..

Scene 10 (5m 17s)

[Audio] Hindi tugmang tanggapan (incompatible office). Ipinagbabawal ng prinsipyong ito sa mga mambabatas na humawak ng tanggapan o posisyon sa anumang ahensya ng pamahalaan kasama ang GOCC o Goverment Owned Corporations liban lamang kung ang iwawanan niya ang kanyang tungkulin bilang mambabatas. Mariing ipinagbabawal ng prinsipyong ito ang paghawak ng dalawang tanggapan upang maiwasan ang pagbibigay ng katapatan sa isang tanggapan habang ang independensya ng lehislatura at ang doktrina ng hiwalay na kapangyarihang (separation of power) ay nasisira. Halimbawa: Hindi maaring tanggapin ng isang Senador ang posisyon bilang Kalihim ng DILG kung hindi niya babakatehin ang kanyang pwesto bilang Senador. Hindi tugmang tanggapan (incompatible office). Ipinagbabawal ng prinsipyong ito sa mga mambabatas na humawak ng tanggapan o posisyon sa anumang ahensya ng pamahalaan kasama ang GOCC o Goverment Owned Corporations liban lamang kung ang iwawanan niya ang kanyang tungkulin bilang mambabatas. Mariing ipinagbabawal ng prinsipyong ito ang paghawak ng dalawang tanggapan upang maiwasan ang pagbibigay ng katapatan sa isang tanggapan habang ang independensya ng lehislatura at ang doktrina ng hiwalay na kapangyarihang (separation of power) ay nasisira. Halimbawa: Hindi maaring tanggapin ng isang Senador ang posisyon bilang Kalihim ng DILG kung hindi niya babakatehin ang kanyang pwesto bilang Senador..

Scene 11 (6m 50s)

[Audio] Tandaan na hindi lahat ng tungkulin sa gobyerno ay maituturing na incompatible office sapagkat mayroong mga tungkulin na maaring tanggapin ng isang mambabatas batay sa pagkilala ng Saligang Batas. Halimbawa: ang pagiging kasapi ng Electoral Tribunal at Judicial and Bar Council of the Philippines. Ipinagbabawal na tanggapan (forbidden office). Ipinagbabawal sa prinsipyong ito ang pagtatalaga ng mga kasapi ng Kongreso sa mga tanggapan ng gobyerno na nilikha o ang sweldo para dito ay nilikha sa panahon na siya ay nanunungkulan pa bilang kongresista. Layunin ng prinsipyong ito na maiwasan ang mga anumalya na kung saan ang kongresista ay makikinabang sa batas na siya mismo ang nagbigay ng inisyatibo. Tandaan na hindi lahat ng tungkulin sa gobyerno ay maituturing na incompatible office sapagkat mayroong mga tungkulin na maaring tanggapin ng isang mambabatas batay sa pagkilala ng Saligang Batas. Halimbawa: ang pagiging kasapi ng Electoral Tribunal at Judicial and Bar Council of the Philippines. Ipinagbabawal na tanggapan (forbidden office). Ipinagbabawal sa prinsipyong ito ang pagtatalaga ng mga kasapi ng Kongreso sa mga tanggapan ng gobyerno na nilikha o ang sweldo para dito ay nilikha sa panahon na siya ay nanunungkulan pa bilang kongresista. Layunin ng prinsipyong ito na maiwasan ang mga anumalya na kung saan ang kongresista ay makikinabang sa batas na siya mismo ang nagbigay ng inisyatibo..

Scene 12 (8m 25s)

[Audio] Maraming Salamat. Maraming Salamat.