Halina't lakbayin ang aming munting nayon!!!

Published on Slideshow
Static slideshow
Download PDF version
Download PDF version
Embed video
Share video
Ask about this video

Scene 1 (0s)

Halina’t lakbayin ang aming munting nayon !!!. Taralet’ssaLinglingay ! Dot(Department of Tourism).

Scene 2 (1s)

Introducing …….

Scene 3 (8s)

Ang Brgy. Linglingay ay isang barangay na puno ng masisipag, matulungin at mababait na mga tao, halina’t tuklasin at bistahin ang aming barangay!.

Scene 4 (15s)

Simulan natin !!!. Eto ang aming Barangay Pamahalaan na makikita sa pusod ng barangay na malapit sa Paaralang Elementarya ng Linglingay na kung saan dito ako nagtapos. Makikita natin na malinis at maayos ang paligid loob at labas dahil tulong tulong dito ang mga mamayan at opisyal ng barangay upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan..

Scene 5 (27s)

Bantanga Mini Dam. Pasyalan ito ng mga Pamilya, magkasintahan, grupo ng mga namimisikleta, magkakaibigan at marami pang iba. Ipinagmamalaki namin ang lugar na ito dahil sa ganda ng tanawin, tulad ng bundok at matatanaw ang mga karatig na barangay, pwede rin mangisda at magpicnic. Upang mapanatili ang kalinisan ng lugar, nililinis ito ng pamunuan ng barangay. Dito dapat responsible ang mga namamasyal, dahil ipinapatupad dito ang “Basura mo isinop mo” kaya’t napapanatili ang kalinisan nito..

Scene 6 (51s)

Overflow water. Pasyalan ito ng mga Pamilya, magkasintahan, magkakaibigan at marami pang iba. Kung saan dito sila naliligo. Masarap magtampisaw sa malamig na tubig. Pwede rin mangisda at magpicnic. Makikita mo ang tuwa at saya ng bawat isa kapag nakapasyal sila ditto..

Scene 7 (1m 7s)

TANIMAN. Maluwang ang taniman ng palay at mga gulayan dito. Dahil sa tulong ng patubig ng NIA-CASECNAN (Irrigation Canal) nagiging malusog ang aming mga pananim dito. Sa irigasyon ay marami ding nakukuhang mga iba’t ibang klase ng mga isda. Mayaman din sa mga iba’t ibang klase ng mga halaman ang aming barangay, tulad ng orchids, daisy at marami pang iba.

Scene 8 (1m 27s)

Mga Alagang hayop. Marami ding mga alagang hayop ang mga tao sa aming barangay tulad ng baka , kambing , manok , bibe at marami pang iba . Ito ang pangunahing pangkabuhayan din ng mga tao ..

Scene 9 (1m 40s)

ILOG. Ang aming barangay ay malapit sa ilog Baliwag, na kung saan ito ay mayaman sa iba’t ibang klase ng isda tulad tilapia, hito, dalag, carpa, hipon at marami pang iba. Naging pangunahin ito na pinagkukuhan ng mga ulam ng mga kabarangay ko..

Scene 10 (1m 58s)

Maraming salamat sa panonood naway nasiyahan kayo sa maikling palabas ng aming barangay at masaya kaming maibahagi ang mga lugar na maaaring pasyalan sa aming barangay..