EPP 5 – AGRIKULTURA REVIEWER 2ND QUARTER

Published on
Embed video
Share video
Ask about this video

Scene 1 (0s)

[Audio] EPP 5 – AGRIKULTURA REVIEWER 2ND QUARTER.

Scene 2 (7s)

[Audio] 1. Ano ang kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko? A. Pinatataba nito ang halaman ng walang gastos. B. Pinapaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig. C. Pinabubuti nito ang hilatsa ng lupa. D. Lahat ng nabanggit ay tama..

Scene 3 (24s)

[Audio] 2. Ano ang abonong organiko? A. Pinaghalong mga nabubulok na bagay tulad ng tira-tirang pagkain, tuyong dahon, dumi ng hayop at balat ng gulay at prutas. B. Mga pinaghalong mga ibat-ibang basura tulad ng plastic at tira tirang pagkain C. Mga pinahalong lupa, buhangin at mga bato. D. Mga pinahalong ibat-ibang basura at nabubulok na bagay..

Scene 4 (49s)

[Audio] 3. Kung walang bakanteng lupa o espasyo sa bahay, ano ang maaaring gawin upang makagawa ng compost? A. Eresaykel ang mga sisidlan tulad ng basket, timba, gulong ng sasakyan. B. Bumili ng lupa sa kapitbahay. C. Gamitin ang batyang ginamit ng iyong nanay sa paglalaba. D. Magahanap ng malaking karton para gawing compost..

Scene 5 (1m 12s)

[Audio] 4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng kahalagahan ng paggamit ng abonong organiko? A. Ang paggamit ng abonong organiko ay nakapagbibigay ng sapat na ani at nakatutulong sa pagpapalago ng mga pananim. B. Dumarami ang mga insekto sa halamanan kung nilalagyan ng abonong organiko ang lupa. C. Tigang ang lupang nilalagyan ng abonong organiko. D. Nakadagdag sa gawain ang paggawa ng abonong organiko..

Scene 6 (1m 40s)

[Audio] 5. Alin sa mga sumusunod na halaman ang mabisang pestisidyo gamit ang tuyong dahon nito? A. ilang-ilang C. tabako B. siling labuyo D. anahaw 6. Dapat bang puksain ang mga insektong kumakain ng mga dahon? A. Oo C. hindi B. hindi tiyak D. hindi alam.

Scene 7 (2m 1s)

[Audio] 7. Mainam bang gamiting pamatay ng kuto ang sili, sibuyas at luya? A. Oo C. hindi B. hindi tiyak D. hindi alam 8. Anong uri ng halaman ang pinakamabisang insect repellants na madalas na ginagamit ng mga magsasaka? A. Lemon Grass C. Ilang-ilang B. Watermelon D. Spring Onion.

Scene 8 (2m 24s)

[Audio] 9. Ito ay isang uri ng pananim na ginagawang pestisidyo ang pinatuyo at dinikdik na bunga at mainam ibudbod sa mga halamang pinamumugaran ng mga insekto. A. kamyas C. pulang sili B. kamatis D. atis 10.Alin sa mga sumusunod ang organikong paraan ng pagsugpo ng mga kulisap o peste? A. pagpapa-usok C. pagbubungkal B. pag-abono D. pagdidilig.

Scene 9 (2m 50s)

[Audio] 11. Paano nakakatulong ang pag-aalaga ng isda at hayop na may dalawang paa at pakpak sa kabuhayan ng mag-anak? A. nakakapagbigay ng sakit B. nakadaragdag sa kita ng mag-anak C. nakadaragdag ng stress D. nakakabawas sa kita ng mag-anak.

Scene 10 (3m 8s)

[Audio] 12. Paano pinapakinabangan ang mula sa dumi ng manok at pugo? A. ginagawang lason para sa halaman B. ginagawang pamatay para sa mga lamok C. inihahalo sa pagkain ng baboy D. ginagawang pataba para sa halamang gulay.

Scene 11 (3m 34s)

[Audio] 13. Alin sa mga sumusunod ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng isda at hayop na may dalawang paa at pakpak? A. nakakabagot B. kapakipakinabang C. nakakapagod D. nakakaumay.

Scene 12 (3m 49s)

[Audio] 14. Anong sustansya ang nakukuha sa mga isda? A. Bitamina C. Calcium B. Carbohydrates D. Protina 15. Bakit kailangang mataas ang bahay ng kalapati? A. Upang madaling makalipad. B. Upang ligtas sa ibang hayop. C. Upang madaling makahanap ng pagkain D. Upang madaling makahanap ng asawa..

Scene 13 (4m 13s)

[Audio] 16.Bakit kailangang ihiwalay ang malalaking isda sa maliliit na isda sa fishpond? A. Upang hindi sila mag-away. B. Upang madaling mahanap ang malalaki C. Upang mabilis makalangoy ang maliliit na isda. D. Upang hindi kainin ng malalaking isda ang maliliit na isda..

Scene 14 (4m 31s)

[Audio] 17. Bakit kailangang matibay ang gagawing kulungan ng pato, manok, at pugo? A. Para maganda sa paningin. B. Para hindi pasukin ng ibang hayop. C. Para magtagal at hindi gawa ng gawa D. Para magamit pa ng susunod na mag-aalaga..