PowerPoint Presentation

Published on Slideshow
Static slideshow
Download PDF version
Download PDF version
Embed video
Share video
Ask about this video

Scene 1 (0s)

[Audio] Magandang Araw! Ating pag-usapan ang mga Mahahalagang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Metal.

Scene 2 (10s)

[Audio] Ang mga pangunahing gawai ng pang-industriya ay nagbibigay ito ng marangal na hanapbuhay. Mahalagang matutunan ang mga kaalaman at kasanayan sapagkat ito ay magiging batayan sa paggawa at pagkakaroon n pagkakakitaan. Ang sariling produkto ay dapat na ipagmalaki dahil sa inilaang oras, panahon, salapi at galing sa pagbuo nito, sapagkat ito ay Malaki ang pakinabang sa sarili at sa ikauunlad ng ating bansa. Sa Videong ito ating pag-uusapan ang mga kagamitan sa paggawa ng produktong gawa sa metal, kasanayan at kaalaman sa gawaing metal, mga pangkaligtasang gawi at kahalagahan nito..

Scene 3 (49s)

[Audio] Pagsusukat- ito ay ang pagkuha ng haba, lapad, dimension sa isang materyales na gagamitin sa proyekto. Ang pagsusukat gamit ang tamang kasangkapan ay ang pinaka basic na kasanayan upang walang masayang na materyales, oras at panahon. Maaaring gumamit ng ruler, metro, iskwala at iba pa. Marapat lamang na maging maingat sa pagsusukat..

Scene 4 (1m 14s)

[Audio] 2. pagpuputol- isang kasanayan na dapat mong matutunan upang makuha mo ang putol o porma ng iyong gagawing proyekto. Mahalagang malaman ang mga tamang kagamitan sa pagpuputol ng metal. Narito ang mga kagamitan, electric cutter na ikinakabit sa isang grinder upang mabilis na maputol ang metal na gagamitin ayon sa sukat at porma..

Scene 5 (1m 39s)

[Audio] 3. Pagbubutas – mula sa pagmarka ng bubutasan, itapat ang electric drill sa bahagi ng metal na nimarkahan upang butasan. Tiyakin na nakakabit ng tama at mahigpit ang drill bit upang hindi ito tumilapon habang ginagamit.

Scene 6 (1m 56s)

[Audio] 4.Pagbubuo o Pagwewelding- ito ay kasanayan, ito isang paraan upang maidikit ang mga bahagi ng metal na pinutol upang mabuo ang nais na proyekto. Kinakailangan nga training upang lubos na magawa nang tama ang pagwewelding..

Scene 7 (2m 11s)

[Audio] Ang paggamit ng rebit gun at rebit screw, kinakailangang mabutasan muna gamit ang electric drill ang bahagi ng metal na gagawin upang mailagay ang rebit screw saka gamitan ng rebit gun upang kumapit ng Mabuti ang mga metal na naisa pagsamahin..

Scene 8 (2m 26s)

[Audio] 5. Pagpapakinis – kasanayan kung saan ang mga dugtungan mula sa pinag weldingan ay marapat lamang napakinisin sa pamamagitan ng pampakintab na nakakabit sa grinder upang maalis ang anumang magaspang sa proyekto..

Scene 9 (2m 41s)

[Audio] 6. pagpapanapos- pahiran ng metal polish ang nabuong proyekto upang ito'y higit na gumanda at tumibay. Ang proyektong nabuo ay maaari mo ng ipagmalaki at maaaring pagkakitaan..

Scene 10 (2m 55s)

[Audio] Narito ang kabuuhan ng Kasanayan at Kagamitan sa gawaing metal Una ang pagsusukat na ginagamitan ng metro at eskwala Pangalawa ang pagpuputol na ginagamitan ng electric grinder at electric cutter Pangatlo ang pagbubutas na ginagamitan ng electric drill at balbike Pang-apat ang pagbubuo na ginagamitan ng revit at welding machine Pang-lima ang pagpapakinis na ginagamitan ng kikil at liha Pang-anim ang pagpapanaps na ina-applyan ng metal polish o metal paint..

Scene 11 (3m 31s)

[Audio] Mga Panuntunang Pangkalusagan at Pangkaligtasan sa Gawaing Metal.

Scene 12 (3m 39s)

[Audio] Gumamit ng mga kasangkapanng nasa maayos na kondisyon. Iwasan ang paggamit ng mga kinakalawang, mapupurol at may sirang kasangkapan o kagamitan. 2. Maglaan ng maayos at matibay na lalagyan para sa mga kagamitan at kasangkapan lalo na kung hindi ito ginagamit. 3. Gamitin nang buong ingat ang mga kagamitan at kasangkapang may talim. Tiyaking walang tao sa iyong likuran o malapit sa iyo na maaring matamaan nang di sinasadya..

Scene 13 (4m 14s)

[Audio] 4. Pagtuunan ng pansin ang ginagawa. Iwasan ang pakikipag-usap o pakikipagtalo habang gumagawa 5. Maglagay ng damit dmit pantrabaho at bihisan pagkatapos gumawa 6. Gumamit ng pantrabaho at bihisan pagkatapos gumawa 7. Linisin at itago sa isang ligtas na lugar ang mga kagamitan at kasangkapan. 8. Maghugas mabuti ng kamay pagkatapos gumawa. Linisin ding mabuti ang ilang bahagi ng katawan na narumihan habang gumagawa..

Scene 14 (4m 56s)

[Audio] Maraming salamat sa pakikinig!. Mahahalagang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Metal.