PowerPoint Presentation

Published on Slideshow
Static slideshow
Download PDF version
Download PDF version
Embed video
Share video
Ask about this video

Scene 1 (0s)

MGA PINAGKUKUNANG YAMAN NG PILIPINAS. “YAMANG GUBAT”.

Scene 2 (16s)

KABATAAN PARA SA PANGANGALAGA’T PROTEKSYON NG WILD LIFE AT KAGUBATAN.

Scene 3 (24s)

Layunin: Hihikayatin ang mga mamamayan na magtanim ng bagong puno pagkatapos nilang magputol. Matigilan ang tuluyang pagkaubos ng kagubatan. Maturuan ang mga mamamayan kung ano ang kahalagahan ng mga kagubatan sa ating mundo. Maturuan ang mga mamamayan at mag- aaral kung pano pangalagaan at proteksyonan ang mga kagubatan. Mapreserve ang iba’t ibang uri ng hayop at halaman. Maparami ang puno para maiwasan ang pagbaha at landslide..

Scene 4 (1m 7s)

KALIGIRAN NG PROGRAMA Ang “ KABATAAN PARA SA PANGANGALAGA’T PROTEKSYON SA WILD LIFE AT KAGUBATAN”’ ay isang programang magbibigay solusyon sa mga suliraning pang kagubatan gaya ng tuluyang pagkalbo ng kagubatan, kawalan ng impormasyon ng mga tao kung gaano kahalaga ang kagubatan sa atin , tuluyang pagkaubos ng mga endangered na hayop at halaman at pagbagal ng mga rate ng pagpaparami . Ang kabataan para sa pangangalaga't proteksyon ng wildlife at kagubatan ay isang programang naglalayong mabigyang kaalaman o impormasyon ang mga tao sa bayang Ito kung gaano kahalaga ang kagubatan sa ating mga tao , hindi lang din sa atin kundi pati sa iba pang mga nilalang dito sa Mundo..

Scene 5 (2m 5s)

KALIGIRAN NG PROGRAMA Ang program aming inilungsad ay naglalayong maparami Ang mga puno , at mapreserba ang mga kagubatan dito sa ting lungsod o probinsiya upang hindi Ito tuluyang maubos o makalbo at upang maiwasan narin ang mga landslide at pagbaha . Ito din ang paraan namin upang ipagpaalam sa lahat ng tao na magsimulang tumulong sa kalikasan . Gaya ng mga nasabi , mahalaga sa atin ang kalikasan at kagubatan dahil dito tayo kumukuha ng ating pangkabuhayan tulad lamang ng pagsasaka . Ang isa pa naming programa ay “TREE PLANTING” upang madagdagan ang mga punong nagbibigay sa ating ng sariwang hangin at nagproprotekta laban sa mga sakuna katulad ng landslide, bagyo at baha ..

Scene 6 (2m 55s)

MGA PAMAMARAAN Bumuo ng grupo at planuhin ang mga gagawing programa . Handa ang mga materyales at mga schedule kung paano ang daloy ng mga programa . Kausapin ang lokal na government at mga baranggay captain, ipaliwanag sa kanila ang mga layunin ng programa . Humingi ng tulong mula sa Department of Environment and Natural Recources (DENR) upang sila ang magturo kung ano ang kahalagahan ng kagubatan at mga endangered na hayop sa ating kapaligiran at sa ating mga tao . Magsagawa ng isang contest sa poster at slogan patungkol sa pangangalaga at proteksyon ng mga kagubatan at mga wild life. Isasabay narin namin ang isang orientation kung paano ang tamang pagtanim ng puno at pangangalaga pati narin ang pag bibigay ng flyers..

Scene 7 (3m 57s)

MGA PAMAMARAAN Mangalap ng mga donation sa mga tao upang makabili ng mga punong itatanim at makabili ng mga gamit na gagamitin sa pagtatanim at sa pag rerecycle ng mga balde , plastic bottles at iba . Makabili ng mga pagkain at mga vitamins para sa mga hayop na nasa kagubatan or kabundukan . Matapos mangalap ng mga donasyon at makabili ng mga gagamitin sa programa ay aming nang sisimulan ang mga programang inihanda namin katulad ng Tree Planting at pagbibigay ng mga vitamins sa mga hayop. Ang aming unang gagawin na programa ay ang “Tree Planting” kung saan ay magtatanim kami ng mga puno sa isang lugar na walang masyadong puno at gagawa kami ng mga produkto na hindi nakakasira sa kalikasan ( eco friendly product). Isagawa Ang gawain para naman sa mga hayop gaya Ng Pagbibigay sa kanila Ng mga needs tulad Ng mga pagkain at vitamins , pagpapakawala Ng mga hayop Mula sa zoo papunta sa kanilang natural habitat at panghuli magtalaga Ng bantay sa mga endangered species Ng hayop at sila ay sasahod buwan buwan ..

Scene 8 (5m 13s)

MGA INAASAHANG KAKALABASAN NG PROGRAMA Makapag-pakawala ng ilang mga hayop mula sa Zoo na malulusog at kaya nang mabuhay sa kanilang natural na tahanan . Makapagbigay impormasyon kung paano pangalagaan at pahalagahan ang mga kagubatan at mga hayop. Mapigilan o mabawasan ang mga pagputol ng puno’t paghuli at pagpatay ng mga hayop sa Sierra Madre. Maturuan ang mga tao kung paano gumawa ng mga recycled na produkto tulad ng paggawa ng paso yari sa mga plastic bottles. Paggawa ng bag yari sa mga straw at iba pa. Makapag tanim ng puno at mabawasan ang mga basura ..

Scene 9 (6m 0s)

MGA INAASAHANG KAKALABASAN NG PROGRAMA Makapagkaisa ang mga mamamayan sa pagtulong sa pagligtas ng ating inang kalikasan . Hindi lang natin matutulungan ang mga tao pati narin ang mga hayop at ang ating kalikasan . Maiiwasan natin ang pagkasira ng mga puno na maaari ding pagbahayan ng mga hayop. Maibalik sa dating sariwa ng hangin at mabawasan ang pollution sa hangin . Maimpluwensyahan ang mga kabataan sa pangangalaga at maproteksyonan ang ating inang kalikasan para sa kinabukasan ng ating henerasyon ..

Scene 10 (6m 40s)

“THE END”. “Love the trees until their leaves fall off, then encourage them to try again next year .” – Chad Sugg.