002_News

Published on Slideshow
Static slideshow
Download PDF version
Download PDF version
Embed video
Share video
Ask about this video

Scene 1 (0s)

[Audio] OFW na Hindi Makabalik ng Japan, Nagpatiwakal Matapos malaman na wala na siyang pag-asang mangibang-bansa muli, isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nagbigti kahapon ng madaling araw sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City. Kinilala ang biktima na si Carmelito Buhay, 34, na halos nangingitim na ito nang matagpuang nakabigti gamit ang electric cord ng kanyang bahay sa 154 Int. Tindedo St. La Loma ng nasabing lungsod. Batay sa imbestigasyon ni PO1 Ronald Nava ng Central Police District Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), natagpuan ang biktima dakong alas-3 ng madaling araw na nakabitin sa ilalim ng hagdan. Nabatid na isang OFW ang biktima sa Japan subalit isang taon na ang nakararaan ay hindi na ito naka-alis pa ng bansa bunga ng kakulangan sa pera at kaukulang dokumento. Lumilitaw na nagsisintimyento umano ang biktima dahilan sa pagka-ubos ng kanyang perang inipon at kinita sa Japan. Dahil dito, posible umano na inatake ng depression ang biktima bunsod ng pagpapatiwakal nito. Bagama't walang anumang suicide note, sinabi ng ilang kamag-anak nito na maka-ilang ulit na ring tinangka ng biktima na magpakamatay sa pamamagitan ng paglalaslas ng kanyang pulso..